94 na mga Pulis sa Kalinga, ‘Newly-Promoted’ sa kanilang Ranggo

21

Cauayan City, Isabela- Nasa 94 na Kalinga Police Non-Commissioned Officers ang ‘newly-promoted’ sa kanilang mga ranggo matapos ang ginawang simultaneous virtual ceremony na pinangunahan ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR) kasama ang ilang tauhan ng Kalinga Police Provincial Office ngayong araw.

Walumpu’t tatlo (83) na promoted sa ranggo ay mula Kalinga Police Provincial Office, dalawa (2) ay mula sa National Support Unit, at siyam (9) ang mula naman sa Regional Mobile Force Company-15.


Pinangunahan ni PBGen. R’win Santa Ana Pagkalinawan, PROCOR Regional Director ang oath taking at mass pinning sa Masigasig Grandstand, Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet.

Sa kanyang mensahe, sinabi nito na ang pagharap sa mas mataas na ranggo ay kaakibat ang dagdag na responsibilidad para sa bayan.

Umaasa naman ito na mas lalo pang mapagbubuti ang dedikasyon sa trabaho ng mga pulis at ang pagbibigay ng hindi matatawarang serbisyo sa komunidad na mandato ng kanilang paglilingkod.

Facebook Comments