94 PAMILYA SA APAT NA BARANGAY SA DAGUPAN CITY, NANANATILING EVACUEES SA ASTRODOME

Nananatili pa rin ang nasa 94 na pamilya o katumbas ng 363 indibidwal sa Astrodome na siyang nagsisilbing evacuation center ng mga kalapit barangay sa Dagupan City.

Ang mga evacuees ay mula sa mga Barangay ng Lasip Grande, Barangay 2 and 3, Tapuac, at Pogo Chico.

Ang ilan sa evacuees tulad ni Nanay Maria, isang linggo na umanong nakatira pansamantala sa nasabing evacuation center dahil mataas pa rin ang tubig baha sa kanilang lugar sa Tapuac.

Dito sila habang pinapahupa ang tubig at dumidiskarte muna kasama ang asawa nito para kahit papaano ay may dagdag budget sa kanilang gastusin.

Nabibigyan naman umano sila ng mga relief goods ngunit may iba din umano sila pangangailangan tulad ng panglinis sa katawan at gamit panglaba sa mga damit.

Wala rin umanong problema sa kalusugan dahil may mga nakaantay na bitamina at gamot para sa mga bata at matatanda.

Sa ngayon, pahupa pa lamang ang tubig baha sa malaking bahagi ng Dagupan City at patuloy pa rin ang isinasagawang pamamahagi ng relief goods sa mga naapektuhang barangay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments