95% empleyado sa sektor ng turismo, nabakunahan na kontra COVID-19

Umabot na sa 95% ng mga empleyado mula sa sektor ng turismo sa Metro Manila ang nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat, kabuuan itong 27,708 mula sa 29,066 tourism frontliners ang nakatanggap ng bakuna.

Sa naturang bilang, 19,350 dito ay kasama sa A1 priority group habang 8,358 workers ay napabilang sa A4 priority group.


Pinasalamatan naman ni Romulo-Puyat ang iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan dahil sa ipinakitang suporta sa mga tourism frontliners.

Ang pagbabakuna sa mga tourism stakeholders ay malaking hakbang para sa muling pagpapanumbalik ng sigla sa industriya ng turismo.

Facebook Comments