95% ng mga Pilipino, hindi naniniwala sa mga propaganda ng China ayon kay Teodoro

Inihayag ng Department of National Defense (DND) na hindi tumatalab sa mga Pilipino ang mga inilalabas na propaganda ng China na pagdating sa West Philippine Sea (WPS).

Isa na dito ang propagandang pagbebenta ng pamahalaan sa Pilipinas sa US sa pamamagitan ng Enhanced Military Cooperation, Economic Agreements at political alignment sa US.

Ayon kay Defense Secretary Gibo Teodoro, 95% ng mga Pilipino ang hindi naniniwala sa propaganda ng China.


Wala aniyang propaganda na nagsasabing binebenta natin ang Pilipinas na uubra sa mga Pilipino dahil malinaw naman ang tindig ng pamahalaan sa usapin.

Target lamang aniya nitong pahinain ang depensa ng Pilipinas.

Sa katunayan, sabi ni Teodoro, ay lalo pang umiigting ang pamahalaan na protektahan ang soberanya ng bansa atsa West Philippine Sea.

Facebook Comments