95% RATING | Caloocan police, nangungunang police headquarters pagdating sa public trust and respect at police response – NAPOLCOM

Manila, Philippines – Nanguna ang Caloocan Police bilang pinaka-pinagkakatiwalaan, pinakanirerespeto, at pinakamaaasahan ng publiko sa lahat ng police headquarters sa Metro Manila.

Sa survey na isinagawa ng National Police Commission (NAPOLCOM) mula Oktubre hanggang Nobyembre 2017, lumabas na nakakuha ng 95 percent rating ang Caloocan Police pagdating sa public support o suporta mula sa publiko.

Nasa 88.8 percent naman ang rating nila sa public trust and respect at police response.


Habang nasa 88.6 percent rin ang kanilang lifestyle, moral and ethics at 84 porsiyento naman sa crime reporting.

Umiskor rin ang Caloocan Police ng 81.5 percent pagdating sa public safety.

Kasabay nito, kinuwestiyon ni Bishop Ambo David ng Diocese of Caloocan ang nasabing survey.

Tinanong ni David kung sino umano ang tinutukoy na nagtitiwala sa Caloocan Police.

Pinagtataka rin niya kung paano nangyaring “most trusted” ang Caloocan Police gayong tinanggal sa puwesto ang Caloocan Police noong Setyembre.

Matatandaang nasangkot ang Caloocan Police sa pagkapatay kina Kian Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz.

Facebook Comments