95% transport leaders sa bansa, hindi magsasagawa ng welga sa araw ng SONA – DOTr

Sigurado ang pamunuan ng Department of Transportation o DOTr na majority o 95% ng mga transport leader ay suportado ang gagawing ikalawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa July 24.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Jesus Ferdinand Ortega, Chairperson ng DOTr-Office of Transportation and Cooperatives na nagpapasalamat sya sa mga transport group leaders na ito sa patuloy na pagsuporta sa gobyerno.

Sa kasalukyan ayon kay Ortega ay patuloy ang ginagawa nilang pakikipag-usap sa mga transport group sa buong bansa upang malaman ang kanilang hinaing at mabigyan ng solusyon.


Ayon pa kay Ortega, naghihintay naman ang DOTr sa pakikipag-usap ng grupong MANIBELA na nagpaplanong magsagawa ng tatlong araw na transport strike mula July 24 hanggang July 26.

Sinabi ni Ortega, bukas ang kanilang tanggapan para dinggin ang kanilang hinaing lalo’t hindi pa aniya nila nakakausap ang grupo.

Una nang nag-anunsyo ang grupong MANIBELA na magsasagawa ng tatlong araw na pagwewelga.

Ito ay dahil sa umano’y pagpapabaya ng DOTr sa mga tradisyunal na mga jeepney at drivers’ operator para paburan ang mga korporasyon.

Facebook Comments