95th IB at Grupo ng CPP-NPA, nagkaengkwentro sa Bayan ng Benito Soliven at Cauayan City

1187

Cauayan City, Isabela– Muling nakaengkwentro ng 95th Infantry Salaknib Batallion ang may mahigit kumulang na 20 CPP-NPA na miyembro ng RSDG, KR-CV na pinaniniwalaang kabilang sa grupo ni alyas Yuni at Dindo sa Brgy. Ara, Benito Soliven at Brgy. De vera sa Lungsod ng Cauayan bandang 11 kagabi (November 25, 2019).

 

Dalawang sundalo naman ang nasugatan habang pinaniniwalaang may ilang sugatan din sa mga rebeldeng grupo matapos ang insidente.


 

Narekober naman ang ilang matataas na kalibre ng baril na kinabibilangan ng (2) Caliber 5.56 Colt M653 rifles, (1) Caliber 7.62 m14 rifles, (3) magazine of M653, (1) magazine ng M14 rifle, (90) live ammunition of caliber 5.56 rifle, (20) meters detonating cord at ilang pang personal na gamit mula sa nasabing rebelde.

 

 

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang hot pursuit operation sa nasabing grupo.

 

 

Facebook Comments