Nagsagawa ang tropa ng 95th Infantry Battalion katuwang ang PNP Benito Soliven, ng Security Awareness Symposium kamakailan sa Andabuen National High School, Benito Soliven, Isabela.
Tinatayang mahigit na 600 estudyante ang dumalo sa naturang aktibidad upang matuto na makaiwas sa mapanlinlang na recruitment ng Communist Terrorist Group (CTG).
Ilan sa mga tinalakay sa nasabing pag-aaral ay ang lumalaganap na problema sa ilegal na droga at maging ang terorismo sa bansa.
Ayon naman sa mga estudyante sa nasabing symposium, naliwanagan umano sila tungkol sa maling ideolohiya, at propaganda ng mga CTG upang pukawin ang mga kabataan na maghimagsik laban sa gobyerno.
Samantala, ayon sa 95IB at PNP, ang pagsasagawa ng Security Awareness Symposium ay isa sa mga paraan upang mailigtas ang mga kabataan mula sa mga CTG at mga front organization nito.
Facebook Comments