96.16% na mga preso sa BuCor, nabakunahan na kontra sa COVID-19

Kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) na 96.16% ng persons deprived of liberty o PDL ang nabakunahan na kontra sa COVID-19.

Ito ay mula sa mga bilangguan na nasa ilalim ng pangangalaga ng BuCor.

Katumbas ito ng 46,576 na bilanggo mula sa mga pasilidad ng BuCor sa buong bansa at mula sa total na 48,434 na PDL.


20,311 ang nakatanggap na ng unang dose habang 26,265 ang fully vaccinated at 3,715 naman na PDL ang nakatanggap na ng booster shot.

Sa hanay naman ng mga tauhan ng BuCor, nasa 24.09% pa lamang ang mga nababakunahan.

Facebook Comments