96.3 IFM Music & News, umarangkada na! By: RG Banana

135

Ni-launch na ang pinakahihintay na arangkada ng mga bagong programa ng 96.3 IFM Music and News Zamboanga.
Matapos ang ilang araw na paghahanda, naging trending at naging usap-usapan sa buong lungsod ang unang araw ng IFM sa bago nitong format na Music & News.
Kasabay ng pagbago ng panahon, layunin ng 96.3 IFM Music & News ang maghatid ng magaganda at napapanahong mga balita at mga nakaka-enjoy na musika.
Nagsimula ang arangkada ng mga programa alas singko ng umaga kasama sina Joel Toledo Sanson at Hermie Ventura sa programang “IFM Alegria y Noticia”. Sinundan ito ni Kuya Bogart sa  bagong Kamote Show.
Excited ding nagprograma ang isa sa mga respetadong komentarista sa lungsod na si Bhong Simbajon sa programang “i-Topic, Para claro lang!”
Naging hit rin ang nagbabalik na “IFM Live Drama” kasama sina Joey Papaya, Gino Pipino at Julia Mangga na kung saan hatid ng programa ang ngiti, katatawanan at inspirasyon para sa lahat ng mga tagapakinig.
Mananatiling updated ang mga “idol” sa “The i-5” ni RG Banana dahil hatid nito ang mga trending na mga balita at mga bagong kanta na magiging kasabayan tuwing alas dose hanggang ala una ng hapon.
Tuloy-tuloy rin ang advice giving program ni Joey Papaya sa “i-Confess”, ala una hanggang alas tres ng hapon. Kasiyahan, tawanan at kantahan naman ang hatid ni Julia Mangga at Gino Pipino sa “IFM Parada” na umaarangkada mula alas tres hanggang alas singko ng hapon.
Balita sa hapon ang hatid ni Mirasol Montesa sa “IFM Noticia del Tarde”. Habang tiyak na mag-eenjoy ang lahat ng mga “idol” sa “IFM Musika Arangkada”
Muling iinit at lalong sasarap pagpatak ng alas sais ng gabi kasama ang nagbabalik na si Ate Khatz sa programang “Sabroso man 6-9”
Mag-relax sa gabi habang nakikinig ng IFM Cebuano Drama sa Handumanan sa usa ka awit at What’s the style, alas nwebe hanggang alas diyes ng gabi.
Patuloy ang pag emote sa mga kanta na hatid ng “Emotions on I”, alas diyes hanggang alas kwatro ng umaga.
Lahat ng ito ay hatid ng pinakabagong 96.3 IFM Music & News. Basic!


| | Virus-free. www.avast.com |

Facebook Comments

From Advertisers