96.54% ng mga election returns, nai-transmit na sa Comelec, Cynthia Villar at Grace Poe, nangunguna pa rin

Nangunguna pa rin sina Senadora Cynthia Villar at Grace Poe sa partial unofficial results ng senatorial race para sa katatapos lang na halalan nitong lunes.

 

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Comelec transparency server kaninang alas dos ng hapon, nasa first spot pa rin si Villar na nakakuha ng 24,720,986 votes.

 

Pangalawa si Poe na may 21,607,707 votes; pangatlo si Bong Go na nakakuha naman ng 20,064,895 votes.


 

Sinundan sila nina:

 

4.) Pia Cayetano – 19,324,538

5.) Ronald ‘bato’ Dela Rosa – 18,442,153

6.) Edgardo Sonny Angara – 17,770,733

7.) Lito Lapid – 16,618,073

8.) Imee Marcos – 15,505,821

9.) Francis Tolentino – 15,090,844

10.) Bong Revilla – 14,291,761

11.) Koko Pimentel – 14,284,435

12.) Nancy Binay – 14,243,564

 

Sa ngayon, 96.34 percent na ng mga election returns sa buong bansa ang naita-transmit.

 

Katumbas ito ng 84,633 election returns mula sa kabuuang 87,851.

 

Mula ito sa boto ng 46,102,440 indibidwal mula naman sa kabuuang 63,662,481 registered voters.

Facebook Comments