96 na Generator Sets, Ipinamahagi sa tanggapan ng Pulisya sa buong Lambak ng Cagayan

*Cauayan City, Isabela*- Umabot sa kabuuang 96 na generator set ang ipinamahagi ng rehiyong tanggapan ng pulisya sa mga ilang tanggapan ng pulisya sa buong rehiyon dos kahapon.

Pinangunahan ni PRO2 Regional Director PBGen. Angelito Casimiro ang turn-over ceremonies para sa pamamahagi ng nasabing kagamitan na ibinigay na kinabibilangan ng Isabela PPO na may 35, Cagayan PPO na may 30, Nueva Vizcaya PPO 16, Quirino PPO na may 8 at Santiago City Police Station na 3, RMFB-2, habang isa naman sa tanggapan ng Regional Director, Batanes PPO at Regional Headquarters.

Binigyang diin ni RD Casimiro na ang mga kagamitan ay higit na makakatulong sa serbisyo publiko particular na kung makakaranas ng kalamidad sa buong rehiyon.


Ang mga nasbaing generator sets ay bahagi ng donasyon ng kapatid ng rehiyong director na si Ginoong Aniceto Casimiro, Area Manager ng Asia Island Pacific bilang suporta sa hanay ng kapulisan.

Facebook Comments