Nailigtas ng Philippine Air Force (PAF) 505th Search and Rescue Group ang 96 na sibilyan na na-trap nang magkaroon ng sunog sa Metro Tower Building sa Mandaluyong City kahapon.
Ginamit nila ang kanilang S-76A helicopter Nr 206 at isinakay ang mga stranded na sibilyan mula sa rooftop ng Metro Tower Building.
Inilipad sila patungo sa rooftop ng kalapit na SM Megamall.
Naka 15 balik ang helicopter para madala sa ligtas na lugar ang lahat ng mga sibilyan.
Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa ika-27 palapag ng Metro Tower building bandang 10:30 ng umaga at idineklarang fire-out ng 3:50 ng hapon.
Facebook Comments