Davao, Philippines – Nasa 96% ng mga Dabawenyo ang pabor sa pagbabago ng sistema ng gobyerno o ang federalism na gusto ni Presidente Rodrigo Duterte na mapasa sa kanyang termino.
Ito ang resulta sa ginawang survey ng University of Mindanao (UM)-Institute of Popular Opinion (IPO) patungkol sa agenda ng Duterte administration na pinaka-sinasang-ayunan ng mga Dabawenyo.
Ayon kay UM-IPO Director Dr. Adrian Tamayo, mataas ang nakuhang rating ng federalism sa mga Dabawenyo dahil sa nakitang mabuting epekto nito sa pagresolba ng gulo sa Mindanao.
May 1,200 respondents ang naturang survey na ginawa noong May 17-May 26 sa tatlong distrito ng Davao City.
Facebook Comments