96% ng mga residente ng Taguig City, fully vaccinated na kontra COVID-19

Umabot na sa 895,272 individuals o 101% ng buong populasyon ng Taguig City ang nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19.

Sa naturang bilang, nasa 850,520 individuals o 96% ng buong populasyon ay fully vaccinated na.

Ayon sa Local Government Unit (LGU) ng Taguig, umabot na sa kabuuang 2,000,501 jabs ang naibigay na bakuna ng lungsod sa mga vaccination hubs.


Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Taguig City – LGU sa National Government para matiyak ang komprehensibong pagbibigay ng mabilis, ligtas, at accessible na paglulunsad ng bakuna sa lungsod.

Tiniyak din ng LGU na magpapatuloy ang kanilang pagbibigay ng libreng bakuna sa mga karapat-dapat na indibidwal hanggang sa maabot ng lungsod ang 100% fully vaccinated na mga residente ng Taguig City.

Facebook Comments