960 karagdagang kaso ng COVID-19, Naitala ng DOH Region 2

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng 960 karagdagang aktibong kaso ng COVID-19 ang Department of Health- Cagayan Valley Center for Health Development kahapon, Setyembre 3, 2021.

Sa pinakahuling datos ng ahensya, naitala naman ang 730 na mga gumaling mula sa COVID-19 habang 37 ang nasawi.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa rehiyon, 10.08% (7,797) ang aktibong kaso; 87.04% (67,320) na ang gumaling, at 2.84% (2,198) ang namatay.


Sa kasalukuyan, may mataas pa rin na kasong naitala ang lalawigan ng Cagayan kung saan umabot na sa 4,489 ang active cases; sinundan ng Isabela na mayroong 2, 209; Nueva Vizcaya na mayroon namang 523.

Habang ang lalawigan naman ng Quirino ay umabot sa 389; Santiago City na may 187 at zero case naman ang lalawigan ng Batanes.

Facebook Comments