97 HATCHLINGS NG PAWIKAN, PINAKAWALAN SA BAYBAYIN NG MAGSINGAL, ILOCOS SUR

Pinakawalan sa baybayin ng Barangay Miramar sa Magsingal, Ilocos Sur ang 97 baby sea turtle hatchlings noong Lunes, Enero 5.

Isinagawa ang aktibidad ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at Municipal Agriculture Office, katuwang ang DENR CENRO-Bantay, provincial government, Philippine Coast Guard, at mga lokal na lider.

Ayon sa MENRO, nakapagtala na ang LGU ng 616 hatchlings na pinalaya noong 2025 at mahigit 500 noong 2024, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na maprotektahan ang pawikan sa baybayin ng Magsingal.

Kasama rin sa programa ang monitoring ng coastal area upang matiyak ang kaligtasan ng mga hatchlings mula sa mga mandaragit at matulungan silang makarating sa dagat.

Facebook Comments