
Kinasuhan na ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang 97 na indibidwal na sangkot umano sa nangyaring riot noong September 21 rally.
Ayon kay CIDG acting Director Major General Robert Alexander Morico II, ang mga reklamong naisampa ay paglabag sa Article 142 o Inciting to Sedition , Article 136 o Conspiracy at Article 139 o Sedition ng Revised Penal Code.
Kaugnay nito, hindi pinangalanan ni Morico ang mga nasabing mga indibidwal na sinampahan ng kaso.
Ayon pa kay Morico, sa susunod na mga araw ay magsasampa muli sila ng kaso sa mga indibidwal na sangkot sa likod ng madugong insidente sa Mendiola at Recto.
Sa ngayon nagpapatuloy na gumugulong ang imbestigasyon sa nasabing nangyaring insidente.
Facebook Comments









