97 pugante, naaresto ng CIDG sa loob lamang ng tatlong araw

Nagkasa ng OPLAN PAGTUGIS ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kung saan 97 pugante ang naaresto sa loob lamang ng tatlong araw.

Ayon kay CIDG Director, PMGen. Nicolas Torre III ang datos ay mula lamang March 18 hanggang 20, 2025 kung saan sa Luzon at National Capital Region (NCR) ay 46 na mga kriminal ang bumagsak sa kamay ng batas.

Kabilang dito sina Louie at Ernie na may kasong panggagahasa at si Jay, na responsable sa pagpatay sa isang Pampanga Beauty Queen at Israeli fiancé nito.


Sa Visayas naman, 21 ang nasakote; habang 30 ang naaresto sa Mindanao, kabilang dito si Abo Kaunotan na 13 taon nang nagtatago sa batas dahil sa kasong pagpatay.

Kasunod nito, tiniyak na Torre na magpapatuloy ang CIDG sa pagtiyak ng kaligtasan ng publiko, lalo na sa darating na 2025 National at Local Elections.

Facebook Comments