97,000 na VCMs, dapat ng palitan – COMELEC

Ipinareretiro na ng Commission on Elections (COMELEC) ang 97,000 na mga lumang vote-counting machines (VCMs).

Sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation, sinabi ni COMELEC Commissioner Saidamen Pangarungan na dapat umupa na lamang ng mga bagong VCMs para sa local at national elections sa 2025.

Ayon din kay COMELEC Commissioner George Garcia, 11,100 lamang ang mga bagong VCMs ang ginamit sa nagdaang halalan na nirentahan pa sa Smartmatic.


Kinatigan naman ito ni Senador Imee Marcos na chairperson ng electoral committee.

Pero iginiit ni Marcos na dapat ay “by batch” ang pagpapalit ng VCMs dahil hindi kakayanin ng gobyerno ang isang bagsak na pagpapalit ng makina.

Sa pagtataya kasi ng COMELEC ay nasa P6.7 billion ang kailangan para mapalitan ang mga lumang makina.

Samantala, sinabi naman ni Garcia na mas praktikal ang magrenta ng VCMs kaysa bumili ng bago dahil malaking gastos ang renta sa bodega at maintenance.

Facebook Comments