Nakatanggap ng fuel subsidy ang 974 tricycle driver sa Bayambang mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilalim ng Pantawid Pasada Program 2025.
Isinagawa kamakailan ang ikalawang bugso ng pamamahagi ng withdrawal slips na nagkakahalaga ng ₱1,100 upang matulungan ang mga driver na maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Layunin ng programa na mapagaan ang gastusin sa gasolina at matulungan ang mga tricycle driver na maipagpatuloy ang kanilang kabuhayan.
Bahagi ito ng patuloy na inisyatiba ng pamahalaan upang suportahan ang sektor ng transportasyon sa harap ng mga hamon sa ekonomiya.
Facebook Comments









