98, nasawi sa Bagyong Paeng

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga, 58 ang kumpirmadong nasawi dahil sa bagyo habang 40 ang for validation.

Sa 58 na kumpirmadong nasawi, 53 ang mula sa BARMM, 3 sa Region 6 at 2 sa Region 12.

Samantala, 69 ang injured kung saan 42 ang kumpirmado at 27 ang patuloy pang bineberipika.


63 ang missing kung saan 25 ang kumpirmadong nawawala habang 38 ang for verification.

Ayon sa NDRRMC, dadaan pa ito sa verification process upang masiguro na yung mga nabanggit na indibidwal ay talagang nawala, nasawi o nasugatan dahil sa Bagyong Paeng.

Facebook Comments