98% ng mga mag-aaral sa Navotas, nabigyan na ng self-learning modules

28

Aabot na sa 98% na mga estudyante ngayon sa Navotas ang nabigyan na ng learning packages bago magpasukan sa Oktubre 5, 2020.

Sa 49,628 na kabuuang bilang ng naka-enroll ngayong pasukan sa Navotas, 48,635 na estudyante mula elementary at high school ang nakatanggap na ng kanilang self-learning modules.

Ang bawat ‘Navoschool Boxes’ ay naglalaman ng activity sheets, school supplies at hygiene kits na sapat para sa isang buwan.

Samantala, ang self-learning modules na hindi nakuha ng mga magulang ng mga mag-aaral ay ihahatid na lamang ng mga barangay personnel sa kanilang lugar.

Facebook Comments