98,000 vote counting machines, posibleng hindi na gamitin sa 2025 midterm elections, kung aaprubahan ng Kongreso ang isinusulong na full automation ng COMELEC

Isinusulong ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-renta ng mga mas bagong makina para sa full automation ng eleksyon sa 2025.

Pero, sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na nakadepende pa rin ito sa Kongreso para magkaroon ng sapat na pondo pang renta ng mga bagong sistema, teknolohiya at makinang gagamitin.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Garcia na kapag inaprubahan ng Kongreso ang plano at mapaglaanan ito ng pondo, hindi na gagamitin pa ang 98 libong mga vote counting machines o VCM sa 2025 elections.


Paliwanag ni Garcia, luma na ang mga makinang ito at sa kanilang palagay ay hindi na epektibong gamitin.

Aniya kawawa ang mga guro kung hahaba pa ang oras ng kanilang pagsi-serbisyo sa araw ng botohan hanggang makumpleto ang bilangan.

Facebook Comments