99% na ng mga barangay na nalinis na sa impluwensya ng NPA, nakakuha na ng development fund – DILG

Halos 99% ng mga barangay ang malinis na sa impluwensya ng New People’s Army (NPA) ang nakakuha na ng development fund.

Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), katumbas ito ng kabuuang P16.24 billion na Barangay Development Program sa 822 barangay.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, naibigay na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P16.24 billion sa may 812 barangay para pondohan ang 2,276 projects.


Ayon pa kay Año, kabilang sa mga popondohan ay infrastructure projects katulad ng 926 na farm-to-market roads, 516 water and sanitation projects, 156 health stations at 135 school buildings.

Naglaan naman ng P2.386 billion para sa water and sanitation system, P569 million para sa school buildings, P491 million – health station, P482 million – rural electrification at P328 million – agricultural, livelihood and technical vocational projects.

Facebook Comments