Umaabot na sa 99 porsyento o halos lahat ng Local Government Units (LGUs) sa bansa ay nakapagsumite na ng kanilang plano para sa devolution ng mga pangunahing serbisyo at pasilidad.
Kasunod na rin ito nang nakatakdang pag-iral ng Mandanas Ruling ngayong taon.
Matatandaang noong taong 2018, pinalawak ng Korte Suprema sa pamamagitan ng kanilang Mandanas Ruling ang internal revenue allotment share ng LGUs sa lahat ng national taxes kabilang na ang nakokolekta ng Bureau of Customs.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III, ang mga local government ay nakatanggap na ngayong taon ng dagdag na 30% hanggang 35% sa national tax allotment.
Umaasa ang DILG official na ang paglilipat ng basic services at facilities mula sa national government patungo sa LGUs ay makukumpleto sa taong 2025.