Kinumpirma ng Department of Trade and Industry (DTI) na 99 percent ng mga sari-sari store sa bansa ay walang lisensya upang magbenta ng gamot.
Sinabi ito ni DTI Undersecretary Ruth Castelo sa interview ng RMN Manila kaugnay sa panawagan ng Food and Drug Administration (FDA) na ipagbawal ang mga sari-sari store na magbenta ng gamot.
Matatandaang hinimok ng FDA na magpasa ng ordinansa ang Local Government Unit (LGU) na kaugnay rito upang maiwasan ang pagbenta ng mga pekeng gamot.
Ayon kay Castelo, otomatikong bawal magbenta ng gamot ang mga retailers na walang license to operate as a pharmacy at license to distrubute medicine na iniisyu ng FDA dahil may batas ang ahensya para rito.
Facebook Comments