Km. 5 Public Market sa La Trinidad, Benguet, naging makulay matapos ilatag ang mga panindang bulaklak para sa Undas

Nagmistulang makulay na tanawin ang Km. 5 Public Market Parking Area sa La Trinidad, Benguet matapos maglagay ng iba’t ibang uri ng bulaklak ang mga tindero bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Undas.

Personal na bumisita si Mayor Roderick Awingan, kasama sina Municipal Administrator Atty. Franco Bawang, Private Secretary Roger Angel, at mga market supervisor na sina Wilson Revelar at Murphy Inso, upang silipin ang mga produkto at makipag-ugnayan sa mga nagtitinda.

Ayon pa sa alkalde, tulong-tulong ang munisipalidad na itaguyod ang kabuhayan ng mga flower vendor at farmer sa pamamagitan ng pagpo-promote ng kanilang mga produkto sa social media.

Mananatiling bukas ang mga stall sa parking area hanggang Nobyembre 2.

Facebook Comments