
Panaigting pa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang intelligence gathering kaugnay ng nalalapit na Trillion Peso March sa Linggo.
Ayon kay NCRPO Spokesperson Major Hazel Asilo, kabilang na sa pinalakas ng ahensya ay ang social media monitoring.
Kung saan tututukan nila ang pag-detect ng mga anonymous o kahina-hinalang account na nagpapakalat ng maling impormasyon na naguudyok ng kaguluhan.
Ayon pa kay Asilo, may inihanda na silang layered security perimeter kagaya ng paglalagay ng mga container van at bakal na barikada.
Kung saan ayon sa kanila ay natuto na ang NCRPO mula sa nangyaring karahasan noong Sept. 21 rally.
Kaugnay nito nasa mahigit 8,000 personnel ang idedeploy mula sa NCRPO para magbantay sa seguridad ng mga ilang lugar na maaaring pagdausan ng kilos protesta.









