
Pumalo na sa mahigit 8,000 pasahero, kabilang ang mga truck driver at cargo helper, ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa dahil sa epekto ng Bagyong Wilma.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa 2,567 rolling cargoes, 126 vessels, at 38 motorbancas ang stranded sa ngayon.
Ito ay mula sa 85 pantalan na namo-monitor ng PCG as of 4:00 a.m., ngayong Sabado, December 6.
Mayroon namang 156 vessels at 68 motorbancas ang pansamantalang nakikisilong.
Pinaalalahanan naman ng PCG ang publiko na sundin ang mga abiso ng mga opisyal at iwasan muna ang paglalayag hangga’t hindi maganda ang lagay ng panahon.
Samantala, tiniyak ng ahensya na tuloy-tuloy ang kanilang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.









