
Isa-isang nagpahayag ng lubos na pagdadalamhati at pakikiramay ang mga kongresista sa pangunguna ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa pagpanaw ni Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop.
Diin ni Dy, si Acop ay isang lingkod-bayang tapat, matapang, huwaran ng integridad sa serbisyo publiko at may malinaw na paninindigan na ang batas ay para sa kapakanan ng mamamayan at ang kapangyarihan ay pananagutan, hindi pribilehiyo.
Para kay Dy, si Acop ay malaking kawalan para sa Antipolo at para sa sambayanang Pilipino.
Inalala naman ni Former Speaker at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ang disipilina, pagiging patas, pagrespeto sa due process at malaking ambag ni Acop sa mga ikinasang imbestigasyon ng House Quad Committee.
Sang-ayon si Romualdez na malaking kawalan si Acop sa Kamara at sa bansa dahil ang naging pagtupad nito sa tungkulin ay nagpalakas sa congressional oversight at accountability.
Nagpahayag din ng labis na lungkot ang mahabang panahon na kaibigan ni Rep. Acop na si House Deputy Speaker Ronaldo Puno.
Pinuri ni Puno ang dedikasyon ni Acop sa paglilingkod sa bayan, hindi matatawarang integridad at katapatan.









