Flood control anomaly investigation, tiniyak ng isang mambabatas na tuloy pa rin kahit namatay na si ex-DPWH Usec. Cabral

Siniguro si Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na magpapatuloy at uusad pa rin ang mga kasong may kaugnayan sa umano’y anomalya sa mga flood control project.

Ito ay kahit pumanaw na ang dating undersecretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na si Catalina Cabral.

Sinabi ni Ridon na chair ng House Committee on Infrastructure, maaari pa rin naman kasing tawagin ng mga awtoridad bilang testigo ang mga staff at iba pang opisyal ng DPWH na nakasama ni Cabral sa pagpaplano at pagba-budget ng mga proyekto.

Ito ay kasunod ng pagbuo ng isang legal team na maghahanap ng mga paraan upang maipagpatuloy ang paniningil ng pananagutan sa kabila ng biglaang pagkamatay ng dating opisyal.

Giit ni Ridon, hindi lamang si Cabral ang may access o may gawa ng mga dokumentong may kaugnayan sa mga proyekto.

Hindi rin aniya madidiskaril ang imbestigasyon dahil lang sa pagkamatay ni Cabral lalo at may mga personalidad naman nang nakasuhan.

Facebook Comments