Tuesday, January 20, 2026

2 high- profile sexual offenders sa Sorsogon at Isabela, naaresto ng PNP

Naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang dalawa sa most wanted individuals na sangkot sa seryosong sexual offenses laban sa mga minor de edad sa 2 lugar sa bansa.

Sa Bulusan, Sorsogon naaresto ang isang 18 taong gulang na lalaki, estudyante at nakalista bilang no. 3 most wanted ng Bulusan Municipal Police Station.

Ang nasabing suspek ay nahaharap sa patong-patong na mga kaso kagaya na lamang ng 2 counts ng Acts of Lasciviousness,13 counts ng Sexual Assault at 3 counts ng rape kung saan ang ilan sa mga nasabing kaso ay may rekomendang pyansa na nagkakahalaga ng 180,000 at iba namang kaso ay non-bailable .

Agad namang dinala sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Sorsogon Provincial Field Unit (PFU) ang nasabing suspek para sa dokumentasyon at sa tamang disposisyon ng korte.

Habang ang naaresto naman sa Aurora, Isabela, ay ang 26 na taong na lalaki at kilala bilang regions No.1 most wanted person para sa 15 kaso ng statutory rape.

Naaresto ang nasabing suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Brach 29, Bayombong ,Nueva Viscaya kung saan ang kaso nito ay walang kaakibat na pyansa .

Sa ngayon ang nasabing akusado ay nasa kustodiya ng Villaverde Municipal Police Station bago iturn over sa korte.

Facebook Comments