
Pinuri ng Malacañang ang kusang-loob na pagsuko ni dating Senador Bong Revilla matapos ilabas ang arrest warrant laban sa kanya.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, positibong hakbang ang ginawa ni Revilla dahil ipinakita nito na handa siyang humarap sa kaso at sumunod sa proseso ng batas.
Mahalagang mensahe aniya ito sa publiko na may mga akusado pa ring pinipiling sumunod sa batas sa halip na umiwas sa pananagutan.
Dagdag ng Palasyo, taliwas ito sa ginagawa ng ibang akusado na nagtatago o kaya’y umaalis pa ng bansa upang takasan ang kaso.
Si Revilla ay nahaharap sa kasong malversation of public funds na may kaugnayan sa umano’y maanomalyang ₱92.8 milyong flood control project sa Pandi, Bulacan.
Facebook Comments










