Tuesday, January 20, 2026

Bilang ng mga Pilipinong nagsabing mahirap sila, bumaba sa huling bahagi ng 2025

Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nagsabing mahirap sila bago magtapos ang 2025.

Batay sa 4th Quarter Tugon ng Masa Survey ng Octa Research, bumaba ng 17 percentage points ang self-rated poverty sa bansa noong December 2025.

Ayon sa survey, 37 percent o katumbas ng humigit-kumulang 9.8 milyong pamilya ang nagsabing mahirap sila—mas mababa kumpara sa 54 percent o mahigit 14.3 milyong pamilya noong 3rd quarter o noong September 2025.

Ibig sabihin, may humigit-kumulang 4.5 milyong pamilya ang nabawas sa bilang ng mga Pilipinong nagsabing sila ay mahirap.

Isinagawa ang survey noong December 3–11, 2025 sa 1,200 respondents na may edad 18 pataas, na may 95 percent confidence level.

Facebook Comments