P8M HALAGA NG SMUGGLED NA SIGARILYO, NASABAT SA DALAWANG CHINESE NATIONALS SA PANGASINAN

Nasamsam ng Pangasinan Police ang mahigit ₱8 milyong halaga ng iligal na sigarilyo sa isang operasyon sa Labrador, Pangasinan, nitong Enero 21, 2026.

Aabot sa 101 kahon o mahigit 5,000 reams ng hinihinalang smuggled cigarettes ang natagpuan sa loob ng isang puting closed van na nasabat sa checkpoint.

Dalawang Chinese nationals ang inaresto—isang 40-anyos na driver na residente ng Sampaloc, Maynila, at isang 44-anyos na lalaki na hindi pa matukoy ang tirahan.

Kabilang sa mga nakumpiskang sigarilyo ang iba’t ibang brand ng Modern at Farstar, na tinatayang may kabuuang market value na ₱8,055,000.

Maayos na inimbentaryo ang mga ebidensya at isinailalim na sa kustodiya ng Bureau of Customs para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga suspek.

Iginiit ng Pangasinan PNP na paiigtingin pa ang koordinasyon ng iba’t ibang ahensya laban sa smuggling upang maprotektahan ang ekonomiya at kapakanan ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments