
Nagbigay ng pahayag ang Ministry of Foreign Affairs and International Cooperation ng Cambodia na wala sa kanilang bansa ang negosyanteng si Atong Ang.
Kung saan taliwas ito sa naging paunang impormasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nasa kanilang bansa ang nasabing negosyante.
Kaugnay nito, nagpaabot naman ng pasasalamat ang Philippine National Police (PNP) sa kooperasyon at pagtulong ng pamahalaan ng Cambodia para sa pagberipika ng galaw ni Ang.
Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., mananatiling agresibo ang isasagawang manhunt hindi lamang kay Atong Ang pati na rin sa iba pang pinaghahanap ng nga otoridad sa ngayon.
Kung saan kasama dito ang patuloy na pakikipagtulungan sa iba pang ahensya ng pamahalaan at ang koordinasyon sa ibang mga bansa.










