Bagyong Pepito, napanatili ang lakas habang nasa Hilagang-Silangang bahagi ng Bicol Region; Signal no. 5, nakataas na sa Catanduanes at Camarines Sur

Napanatili ng Super Typhoon Pepito ang lakas nito at posible pa ring mapaminsala at banta sa buhay habang ito ay nasa hilagang-silangang bahagi ng Bicol Region.

Batay sa update ng DOST-PAGASA as of 5 PM, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 120 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 195 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 240 kilometro kada oras.


Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

Sa ngayon, nakataas na ang Signal no. 5 sa Catanduanes at hilagang-silangang bahagi ng Camarines Sur.

Signal number 4 naman sa mga sumusunod na lugar:
• Camarines Norte
• Hilaga at timog-silangang bahagi ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Goa, San Jose, Tigaon, Sagñay, Calabanga)
• Hilagang-silangang bahagi ng Albay (City of Tabaco, Tiwi, Malinao, Malilipot, Bacacay, Rapu-Rapu)

Signal number 3 sa:
Luzon:
• Polillo Islands
• Hilaga at silangang bahagi ng mainland Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, Lopez, Quezon, Perez, Alabat, Gumaca, Plaridel, Atimonan, Mauban, Real, General Nakar, Infanta)
• Nalalabing bahagi ng Camarines Sur
• Nalalabing bahagi ng Albay
• Hilagang bahagi ng Sorsogon (Prieto Diaz, City of Sorsogon, Gubat, Barcelona, Castilla, Casiguran, Pilar, Donsol)

Visayas:
• Silangan at gitnang bahagi ng Northern Samar (Palapag, Laoang, Mapanas, Gamay, Lapinig, Catubig, Pambujan, Las Navas, Biri, Bobon, Catarman, Mondragon, San Roque, Silvino Lobos, Lope de Vega, San Jose)
• Hilagang bahagi ng Eastern Samar (San Policarpo, Arteche, Oras, Jipapad)

Signal number 2 naman sa mga sumusunod na lugar:
Luzon:
• Timog bahagi ng Isabela (Dinapigue, Cordon, Ramon, Alicia, City of Cauayan, Angadanan, City of Santiago, San Isidro, Echague, Jones, San Agustin, San Guillermo, San Mariano, Benito Soliven, Naguilian, Palanan, Gamu, San Manuel, Burgos, Aurora, Luna, Reina Mercedes, Cabatuan, San Mateo)
• Quirino
• Nueva Vizcaya
• Ifugao
• Benguet
• La Union
• Pangasinan
• Aurora
• Nueva Ecija
• Bulacan
• Tarlac
• Pampanga
• Zambales
• Bataan
• Metro Manila
• Cavite
• Rizal
• Nalalabing bahagi ng Quezon
• Laguna
• Marinduque
• Nalalabing bahagi ng Sorsogon
• Burias Island
• Ticao Island

Visayas:
• Gitnang bahagi ng Eastern Samar (Dolores, Maslog, Can-Avid, Taft, Sulat, San Julian, City of Borongan)
• Hilagang bahagi ng Samar (Matuguinao, Calbayog City, Santa Margarita, San Jorge, San Jose de Buan, Tarangnan, Motiong, Gandara, Jiabong, City of Catbalogan, Paranas, Hinabangan, San Sebastian, Pagsanghan)
• Nalalabing bahagi ng Northern Samar

Habang, signal number 1 naman sa:
Luzon:
• Mainland Cagayan
• Nalalabing bahagi ng Isabela
• Apayao
• Kalinga
• Abra
• Mountain Province
• Ilocos Norte
• Ilocos Sur
• Batangas
• Hilagang bahagi ng Occidental Mindoro (Sablayan, Santa Cruz, Mamburao, Abra de Ilog, Paluan) kabilang na ang Lubang Islands
• Hilagang bahagi ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Naujan, Baco, Victoria, Socorro, Pinamalayan, Bansud, Gloria, Pola, City of Calapan, Bongabong, Roxas, Mansalay)
• Romblon
• Nalalabing bahagi ng Masbate

Visayas:
• Nalalabing bahagi ng Eastern Samar
• Nalalabing bahagi ng Samar
• Biliran
• Hilaga at gitnang bahagi ng Leyte (Tunga, Pastrana, San Miguel, Matag-Ob, Tolosa, Palo, Calubian, Leyte, Mayorga, Julita, Carigara, Babatngon, Dagami, Jaro, San Isidro, Santa Fe, Albuera, Villaba, La Paz, Palompon, Macarthur, Tabontabon, Tanauan, Merida, Ormoc City, Isabel, Dulag, Capoocan, Alangalang, Burauen, Tabango, Tacloban City, Kananga, Barugo, Abuyog, Javier, City of Baybay, Mahaplag)
• Hilagang-silangang bahagi ng Southern Leyte (Silago)
• Hilagang bahagi ng Cebu (Daanbantayan, Medellin) kabilang na ang Bantayan Islands
• Hilagang bahagi ng Iloilo (Carles)

Mindanao:
• Hilagang bahagi ng Dinagat Islands (Loreto, Tubajon)

Ayon pa sa PAGASA, maaaring mag-landfall ang Bagyong Pepito sa Catanduanes bilang super typhoon at manatili ito o typhoon naman sa bahagi ng Quezon-Aurora.

Facebook Comments