Nadala nang muli sa Philippine Heart Center si Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy.
Ito ay makaraang katigan ng korte ang hirit ng kanyang kampo na medical furlough dahil sa umano’y impeksyon dulot ng kanyang dental implants.
Ayon kay Philippine National Police PIO Chief PBGen. Jean Fajardo, kaninang alas-7:35 ng umaga dumating sa Philippine Heart Center si Quiboloy.
Inaasahan namang babalik sa kanyang selda sa PNP custodial facility si Quiboloy sa Miyerkules, Nov. 27, 2024 bago mag alas-4:00 ng hapon.
Si Quiboloy ay nahaharap sa non bailable qualified human trafficking at child abuse case.
Facebook Comments