Mariing kinondena ng Police Regional Office (PRO) 1 ang nangyayaring pagpaslang sa isang police officer sa lalawigan ng Pangasinan.
Naganap ang insidente nito lamang ika-onse ng Mayo nang nagkaroon ng girian sa pagitan ng dalawang grupo ng mga motorista sa bahagi ng Sitio Imus, Barangay Samon, Sta. Maria.
Nauwi sa barilan ang insidente na ikinasawi ng dalawang lalaki nang madaanan ito habang papauwi ni PSSG. Dennis Jali Oria mula sa Tayug Municipal Police Station.
Sa kasamaang palad, binaril ng mga suspek ang pulis nang tangka nitong kumpirmahin ang insidente at dahilan ng kanyang pagkasawi.
Sa isinagawang operasyon ng awtoridad kahapon, naaresto na ang tatlo sa mga suspek sa insidente at narekober ang apat na armas.
Patuloy ang malalimang imbestigasyon ukol dito.
Nangako ang PRO1 sa pagtutok sa naturang kaso upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng magiting na pulis, at nagpahayag din ng pakikiramay at simpatya ang himpilan sa naiwang pamilya ni Oria. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments