OCD Usec. Ariel Nepomuceno, itinalaga bilang bagong BOC Commissioner

Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng bagong pinuno sa Bureau of Customs (BOC).

Ito’y sa katauhan ni Office of Civil Defense (OCD) Usec. Ariel Nepomuceno.

Papalitan ni Nepomuceno sa pwesto si Customs Commissioner Bienvenido Rubio.

Pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr., ang panunumpa ni Nepomuceno ngayong araw.

Bago ang kanyang pagkakatalaga, nagsilbi siyang Executive Director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at Undersecretary ng OCD.

Facebook Comments