Inilunsad ng pamahalaan ang bagong stratehiya para mas mahikayat ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tatawagin itong “A2 priority group plus one” at “A3 Plus one” vaccination strategy.
Ibig sabihin nito, pwedeng magsama ng isang indibidwal ang nasa naturang priority group upang sabay nilang maturukan ng COVID-19 vaccines.
Sa kabila niyan, nilinaw ni Vergeire na hindi lahat ng nasa A3 priority group ay pwede sa bagong polisiya.
Aniya, tanging ang mga may sakit at hindi kayang magtungo nang mag-isa sa mga vaccination centers ang papayagan sa A3 priority group.
Facebook Comments