2 pang menor de edad, naputulan ng daliri dahil sa paputok

Dalawa pang kabataang lalake ang naputulan ng daliri matapos masabugan ng paputok na pla-pla.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), ang dalawang biktima ay pawang mga menor de edad lamang.

Samantala, binawi naman ng DOH ang isang insidente ng amputate, kung kaya’t mula sa naunang lima, apat na lamang ang tamang bilang ng naputulan ng daliri base sa datos kahapon.


Sa naturang bilang, bukod sa isang nasa wastong gulang, limang menor de edad na ang na-amputate dahil sa paputok.

Samantala, umakyat na sa 75 ang kaso ng fireworks related injuries sa bansa kung saan pinakamarami pa rin ay sa Metro Manila na may 30 na kaso.

Sinundan ito ng Central Luzon na may siyam na kaso, at Ilocos Region na may anim.

Sa 23 bagong kaso, marami sa mga biktima ay mga menor de edad kung saan 20 sa mga naputukan ay mga lalaki.

Anim sa bawat sampung kaso ay dahil rin sa paggamit ng iligal na paputok.

Facebook Comments