Sisimulan nang bakunahan ngayong linggo kontra COVID-19 ang A4 category o ang mga tinatawag na essential frontliner sa lungsod ng Dagupan.
Isasagawa ang pagbabakuna sa City Astrodome na siyang vaccination center ng lokal na pamahalaan at kung saan din binabakunahan ang A1, A2 at A3 category.
Ayon kay Dalvie Casilang ang Head ng CHO Vaccination Team, maaari ng simulan ang pagbabakuna sa A4 category sapagkat may mga bakunang paparating sa lungsod na binili mismo ng lokal na pamahalaan.
Sinabi nito na pinuntahan na ng kanilang ahensya ang mga establisyemento sa lungsod upang makuha ang listahan ng mga ito na maaaring mabakunahan sa ilalim ng nasabing kategorya
Aniya, kung hindi pa napuntahan ang establisyimento na kinabibilangan ng isang indibidwal maaaring makipag ugnayan sa City Vaccination Team o kaya mag-iwan ng mensahe sa covidvaccinedagupan.ph.
Samantala, nasa 58, 160 na ang bakuna kontra COVID-19 ang naiturok sa eligible group ng Dagupan City