Umabot na sa P1-billion ang kabuuang kinita ng 10 pelikulang kalahok sa 49th Metro Manila Film Festival.
Ayon sa organizers ng MMFF, patuloy ang paghahabol ng mga manunuod sa sine hanggang ngayong linggo, na huling araw ng pagpapalabas sa mga sinehan.
Sa nakalipas na ilang araw ay mahigit 300 million agad ang kinita ng MMFF matapos maitala na P-700 million ang combined gross ticket sales noon lamang Miyerkules.
Samantala, nasa P1.061-Billion naman ang record box office gross ng MMFF na naitala noong 2018.
Pagkatapos ng festival, ipapalabas ang 10 pelikula sa Los Angeles, California para sa Manila International Film Festival na gaganapin mula January 29 hanggang February 2.
Ang mga pelikula sa MMFF na kinilala sa awards night noong December 27 ay ang “Firefly” bilang Best Picture, Best Actress naman si Vilma Santos sa pelikulang “When I Met You In Tokyo” at Best Actor si Cedrick Juan ng pelikulang “Gomburza”.