Manila, Philippines – Aabangan lamang ng Palasyo ng Malacañang ang opisyal na komunikasyon mula sa Estados Unidos kaugnay sa pagsasauli nito ng makasaysayang Balangiga Bells.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, kahit ang Department of Foreign Affairs ay wala pang natatnggap na kompirmasyon sa Amerika sa usapin.
Paliwanag pa ni Roque, tanging reports pa lamang ang nakararating sa Malacañang at wala pang opisyal na pahayag.
Kaya naman dahil dito ay hindi pa nila alam kung kailan darating sa Pilipinas ang makasaysayang kampana.
Matatandaan na ito ang isa sa gustong mangyari ni Pangulong Duterte na gawin ng Estados Unidos.
Ang Balangiga Bells mula sa Easter Samar ay kinuha ng mga sudalong amerikano bilang spoils of war matapos ang balangiga massacre noong 1901 sa filipino American war.