AABANGAN | Report ng DFA, hihintayin pa ng Malacañang kaugnay sa diplomatic protest ng Kuwait laban sa Pilipinas

Manila, Philippines – Aabangan pa ng palasyo ng Malacañang ang ulat ng Department of Foreign Affairs o DFA kaugnay sa ginawang rescue ng mga embassy officials sa mga distressed Overseas Filipino Workers (OFW) sa Kuwait.

Ito ang sinabi ni Roque sa harap narin ng inihaing diplomatic protest ng Kuwait sa dahil sa ginawang aksyon ng Embassy officials ng Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, mahalaga na malaman ang tunay na detalye ng ginawang operasyon ng mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa nasabing bansa.


Nilinaw ni Roque na si Pangulong Rodrigo Duterte ang may hawak sa pangkalahatang foreign policy ng bansa pero nasa kamay naman ng DFA ang pagpapatupad nito.

Batay sa lumabas na balita ay ginawa ng mga embassy officials ang pagliligtas sa mga OFW dahil noong Linggo ay tapos na ang ibinigay na amnesty ng Kuwaiti Government sa mga undocumented OFWs.

Dahil dito ay umaasa naman si Roque na hindi ito makaaapekto sa binabalangkas na Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait para mapangalagaan ang kapakanan ng mga OFW.

Facebook Comments