Aabot 15.9 bilyong dolyar, idinagdag na pondo ng mga organizer ng Tokyo Olympics

Nagdagdag ang pamunuan ng Tokyo Olympics ng aabot sa 15.9 bilyong dolyar o katumbas ng mahigit 764 bilyong pisong budget para sa palaro.

Ang nasabing halaga ay napagdesisyunan base sa ginawang pagpupulong ng mga organizer.

Ayon sa ulat, bagama’t marami ang kumokontra dahil sa masyadong mataas ang nagastos ay itinuloy pa rin ito ng mga organizer.


Tinaasan ng organizers ang kanilang budget para mapunan ang hakbang na kanilang ipatutupad laban sa COVID-19.

Facebook Comments