Ayon kay Health Assistant Secretary Rosario Vergeire, kabilang rito ang 59 na Pinoy mula sa MV Diamond Princess sa Japan.
Isang pinoy din ang nagpositibo sa Singapore at isa sa South Korea.
Samantala, anumang araw ngayong linggo, inaasahang makakalabas na ng ospital ang Filipino Domestic Worker sa Hong Kong na nahawaan din ng sakit.
Wala namang balak ang gobyerno ng Pilipinas na magpatupad ng travel ban sa South Korea makaraang pumangalawa na ito sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa labas ng China.
Gayunman, pinayuhan ng Department Of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino na ipagpaliban na muna ang pagbiyahe sa nasabing bansa kung hindi naman ito mahalaga.
Facebook Comments