Aabot sa 240,000 na sickness benefit reimbursement applications, inaprubahan ng SSS

Halos 240,000 na sickness benefit reimbursement applications (SBRA) ang inaprubahan ng Social Security System (SSS) mula Hulyo 2020 hanggang Hunyo 2021.

Batay sa datos ng SSS, nagkakahalaga ito ng aabot sa P1.75 billion para sa mga miyembro nitong nagsumite ng aplikasyon ng SBRA.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer (CEO) Aurora Ignacio, mula nang mag-umpisa ang COVID-19 pandemic ay pinabilis nila ang digital transformation para mas maging madali ang transaksyon ng mga miyembro at employers.


Facebook Comments